Monday, May 16, 2005

US Trip

Paalis na kami ng bahay... tickets... check! ... passports... check! baggages... check! ... so ready na. umalis na kami. go go go! dumaan muna kami sa bahay nila Dai para sunduin siya at samahan ang nanay ko na maghatid sa airport. Lumabas na kami ng Sto nino... dumaan sa toll gates... binaybay ang NLEX... dumaan sa A. Bonifacio... dimasalang... Roxas blvd.... NAIA T1... since medyo maaga kami... nagdecide kaming pumunta muna dun sa restaurant. kaunti lang ang tao sa paligid. Nakita ko yung mga balikbayan na babalik na sa trabaho... hehehe... medyo excited na ako.

bago pumasok sa restaurant, iniscan muna yung baggage ko. so naupo na kami sa loob ng kainan. naiwan ako sa table, habang umoorder ng food si Dai at mom ko. so soup lang ang kinain ko. medyo hindi ko type yung food. hehehe.

after ilang minutes, check in time ko na. lumabas na ako ng restaurant. iniwan ko sila sa kainan, sinabi ko naman na babalik ako pagkatapos ko mag check in. so pumasok na ako, kumuha ng cart at pinacheck sa security yung mga dala ko. pumunta na ako sa pila ng china airlines. medyo mahaba yung pila. pero sandali lang at nakarating na ako sa counter. so sinabi ko na gusto ko sa window seat at binigyan naman niya ako. binigay ko ang luggage ko at binigyan ako ng boarding pass.

so lumabas ulit ako para pumunta sa kainan, nakita ko ulit sila at nag antay pa ng mga 30 minutes. so kunting kwentuhan ulit. after nun, bumalik na ulit ako para pumunta sa Philippine immigration. so pumasok na ulit ako. chineck ulit ako for security reasons. pumunta ako sa bayaran ng terminal fee (550 pesos) tapos immigration... tapos security check ulit. and then waiting area. gusto ko pa sana bumalik para pero parang alanganin na yung time. 10:30 ang boarding time at 10:10 na. baka kasi matagalan ako makabalik kaya naisipan kong tumawag. tumingin ako sa mga vending machine ng cards para dun sa payphone kaso not available. so buti na lang at nakita ko itong si manong at meron daw siyang card, kaso nde na niya gagamitin. so hiningi ko at tnry para makita kung 100 pesos pa. buti naman at may laman pa, binayaran ko sa kaniya ng 100 yung card. so tinawagan ko si mama, nde sumasagot, tinawagan ko si dai, buti at nasagot. hehehe, so nagbbye na ako.

narinig ko na speaker, tinatawag na yung mga sasakay sa airplane. so pinauna ko na sila lahat. so siempre sa window seat ako. niready ko yung pda camera ko para sa pagtake off ng plane. hehehe, ang the ultimate pasaway... nakalagay sa sign, please turn off all battery operated devices during take off and landings. pero nirecord ko yung pag take off. clear sky, buti naman.

so ayan, nasa taiwan na ako, bwahaha, galing nung airport nila. CKS airport. nattempt ako magshopping, kaso sino naman ang bibilihan ko, hehehe, saka na kapag pabalik. so ang tagal ko sa CKS airport, meron ksing mga turbulence daw at yung plane na sasakyan ko eh naddelay. so paikot ikot lang ako dun, medyo walang magawa kundi makinig ng mp3. nakakatawa pa nga kasi nakapag cr ako sa women's room. bwahaha, nalaman ko na lang nung pumasok dun yung isang babae, nag ngitian na lang kami, kaso wala akong mentos.... nagtry din ako bumili ng mineral water sa isang taiwanese saleslady, tinanong ko siya kung tumatanggap ba sila ng dollars and yes daw, medyo di pa kami magkaintindihan pero na fine tune ko din yung antenna ko sa sinasabi niya. dollar fifty cents daw yung equivalent. nasa 60 units ata sa kanila yung actual price. so yan, dahil sa price, kala ko eh malaki yung mineral water, bwahaha, 300ml lang yung binigay niya.

sa wakas at dumating na ang plane ko to seatac. nauna na ako ngayon dahil gusto ko nang matulog. 3pm na sa taiwan time. pag upo ko sa chair ko, natulog na ako agad, di ko na vinideo kahit nasa window seat ulit ako. tulog ako, DND.... after mahabang tulog. nagising ako, kainan na ata, hmm, siempre chinese food. kain lang ng kain. tapos na ako kumain, kinuha na yung tray ko. nag ask ako ng sprite in can, wala daw sila, eh di 7up na lang. so after 5 mins, bumalik ulit siya, yan may ice at glass pa. good, galing ng service. basa ako ng newspaper, walang interesting. binuksan ko yung tv, nood ng movie, most nung movie eh napanood ko na. yung iba naman gusto ko panoorin kaso nakakahiya. baka kasi makita nung stewardess. hehehe. so nanood na lang ako ng mga videos nung mga celebrities. nakaka aliw. so naboring din ako at natulog ulit. so yun, umaalog yung airplane, meron nga daw turbulence etc. wala akong makita sa sky kundi darkness. boring boring boring... ayan, sumisikat na ang araw. nakakasilaw kasi walang clouds. as in morning na morning. so yun andun lang ako. after 3 hrs, nakikita ko na yung seattle, kita ko na yung space needle, safeco field, yung downtown. hehehe, from coconut trees sa philippines, naging mga pine trees na. so lumapag na ang airplane, lumabas ako ng plane, nagpunta sa US immigration, kinuha ang baggage, at sumakay ng airport train. nakita ko si ate winnie, so kamustahan, isa lang pala sumundo sa akin. si uncle tim kasi eh nasa appointment niya at umalis na agad since na delay ang flight ko. so tinawagan ni ate winnie sila lolo peps at sinundo na ako. so yun. pagpunta namin sa bahay nila ate winnie, nagkwentuhan, and then mneet yung ibang relatives sa kainan ng steak and ribs sa may south center....

tapos na po.

Monday, April 11, 2005


Satellite view Posted by Hello

Saturday, April 09, 2005


4CSC with Mam Cosme Posted by Hello

Tuesday, April 05, 2005


Cholo and Dai (September 11, 2004) Posted by Hello

Sunday, April 03, 2005

April 4 <--- windy day

7 days na lang at April 11 na. Dadating na si Dai.

Ayan, nag-aaral ulit ako ng Assembler programming. Bakit? hmm, balak ko kasing mag apply sa trend micro. Tinawagan na ako, scheduled for exam ko kasi dapat ngayon (April 4, 2005 1:00pm ), kaso parang useless lang din since hindi ko naman kukunin yung job. Tsk tsk tsk, so ngayon, kahit na hindi na ako magttrabaho sa company na gagamit ng assembler, ito, continue ko na din para naman may magawa ako habang nag-aantay ng April 11............

Iniisip ko nga din kung paano mag upload ng Videos. Meron pa kasi videos dito. hahaha!


Elliel and Wally Posted by Hello


Katrina and Lele after SAD defense Posted by Hello


(Front)Elliel (Back) Joel, Cholo, Katchan and Lelechan Posted by Hello

Saturday, April 02, 2005


Picture taking sa LRT2, after magpasa ng final thesis copy. Elliel, Lesley and Cholo Posted by Hello


Cholo, Elliel and Joel (PICC bridge) Posted by Hello


Cholo, LeeAnne and Odin Posted by Hello


Odin, LeeAnne and Elliel (PICC lobby) Posted by Hello


Eric, Cholo and Diane (during graduation ceremony) Posted by Hello


Diane and Cholo (picture taking sa mismong ceremony) Posted by Hello


Jerry, Edwin and Cholo Posted by Hello


Wally and Stef sa TARC Posted by Hello


Wally and Andrea @ Shakey's EspaƱa Posted by Hello


Kim and Darwin @ Thomas Aquinas Research Center Posted by Hello


Cisco Engineering Lab (Front) Cholo, Lele, Reiner (Back) Elliel and Joel Posted by Hello


Joel, Odin and Katchan (nasa UST library Science Section. super gulo ng table... may baon pang food.) Posted by Hello


Lee Anne, Lele and Katrina in front of UST Engineering Building Posted by Hello


Rui, Dya and Donnlyn Posted by Hello


Cris, Ratz, Kim and Stef inside Thomas Aquinas Research Center Posted by Hello


Cramming Time: An hour before our presentation Posted by Hello


Another picture of ITECH Group Posted by Hello


ITECH Group sa Multimedia Posted by Hello


Ang magbestfriends na si Katrina and Lele Posted by Hello


Joel, Lele and Cholo Posted by Hello


Lelechan, Cholo and Elliel Posted by Hello


Thesis group: Elliel, Lelechan and Cholo Posted by Hello


4CSA (Front: Elliel and Regina) Posted by Hello


Roocie and Elliel Posted by Hello


(Front) Roocie, Kath Posted by Hello


Michael, Edwin, Allan, Nigel and Roocie Posted by Hello


Elliel, Cholo and Sandrih Posted by Hello


My graduation picture Posted by Hello

Friday, April 01, 2005

Walang magawa.

hmm, 1:42am na. andito pa rin sa internet. gusto na matulog pero hindi makatulog

Rewind

Hay naku, tapos na ang college years ko. hehehe, i am so happy kasi tapos na ang lahat. pero parang gusto kong i-rewind yung buhay ko. uulitin ko yung mga bagay na gusto kong gawin pero hindi ko nagawa. medyo mahaba itong blog na ito since ikkwento ko lahat ang nangyari in random order ngayong 4th year. sana maalala ko pa.

kaka download ko lang nung songs ng "full house". oo nga pala, kung sino man may gusto nun email niyo lang ako. fforward ko na lang. choloville@gmail.com. at kung sino din may gusto ng gmail account. email niyo lang din ako. ito kasing full house, medyo nakakatuwa sya. nakakatuwa pala talaga. kaso nung graduation day, kumain pa kami, so bale hindi na ako nakapanood. anyways, mas important naman yung bonding moments namin ng family ko kesa sa isang episode ng full house.

so graduation day, umalis na kami ng bahay, papunta na kami sa PICC plenary hall. medyo super aga ata kami ng dating so nagpunta muna kami sa robinsons place. napansin ng mom ko na panget ata yung necktie na kinuha ko sa closet ko. wala kasi akong pakialam sa ganyan. basta naka long sleeves ako and pants ayos na yun. so bumili pa kami sa RP. nakita ko si dardar dun at justin_316_sr. sabi nila, andun din daw si mam cha. kaso hindi ko na nakita. pero nakita ko naman sya sa ceremony mismo. so nakabili na kami ng tie, yung sales lady na nga din yung nagkabit, sabi ko sa kaniya, kaya ko kaso sige, hayaan mo na siya job niya yun eh.

so nung pumunta na kami, tntext ko mga friends ko, lele elliel and joel ang constant na katxt ko. para sa updates dun. nauna si elliel dun sa picc, and then ako and then sila joel and lele. ayon, medyo matagal kami nag antay. super dami ng tao. si elliel, nawalan pa nung tussel. buti at nakita niya. nag picture taking kami dun. masaya kami lahat. hindi nakakaiyak. comedy ata yung graduation. hehehe. masaya talaga. after nung ceremony, yun, unting picture taking ulit at nagsiuwian na kami. na lowbatt pa yung digicam ko kaya bumili pa ako ng battery. kaso si lele, umuwi na. tapos sumunod na din nawala si elliel. so yun. wala na sila at pumunta na sa kainan. so pumunta na ako sa mom and bros ko. picture taking din. tinawagan na namin si manong driver, tapos mneet niya na kami sa gate, sakay na kami and then isip kung anong gagawin. nagtatalo kasi kami kung sa bahay ba para sa full house (addict mga kapatid ko kay jesse) or kakain pa kami sa labas. so yun, kumain na lang kami. kinuha yung cake sa red ribbon ng mga 9:48pm tapos sabay uwi na.

hmm, kasama ko itong isang thesis groupmate ko. kasi, kukunin namin yung draft namin sa thesis. bakit nga ba wala si elliel nun? hindi ko na matandaan. hehehe. anyways, so ayan, naglalakad kami. papalapit na kami sa door ng engineering bldg. kinuha ko ang id ko sa pocket ko, kinuha din ni lele ang id niya para i-wave dun sa detector at marinig ang magic sound, kaso, biglang sinabi nung guard na "patingin nung id niyo!", kala ko, titignan niya lang so binigay naman namin. and then, tinatanong niya kami na "bakit wala kayong ID case?" and then sinabi niya na makukuha lang daw namin yung ID if bibili kami ng ID case. kasi kung hindi kami bibili that day, eh magiging Assistant Dean's Listers kami agad. nag iisip na ako ng way para makuha yung ID, nagsabi din ako ng mga unting dahilan kung bakit wala yung sleeve nung id ko (mga ULTIMATE PASAWAY kasi), kaso sinabi nung kasama ko na hayaan mo na muna.

ayan, ito, mga thesis days namin. most of the time, kina lele kami. kahit na nasa malayo sila, somewhere sa Rizal province, medyo madali naman puntahan kasi may LRT2 at MRT. ang kasama ko sa biyahe eh si elliel, aantayin niya ako sa MRT- north avenue, and then ride kami ng MRT hanggang sa Cubao, from there, lakad kami papunta sa LRT2, tapos baba kami sa Santolan station, sakay kami ng FX tapos yun na, malapit na yung bahay nila. so yun, we did this for ilang times din. pauwi naman, ganun din. we usually leave MRT north avenue @ 7am, tapos uwian namin is mga 7pm na. we did this for several times. meron pa ngang nangyari, muntik na kami makasakay pauwi papuntang Makati, dapat kasi, sa north avenue kami. hahaha. meron pa isang event, nakakatawa talaga. mahilig kasi ako magtago ng MRT tickets, yung mga below 5 pesos na ang halaga eh hindi ko na nrreturn. kaso yun nga, nagkamali ako ng kuha sa wallet ko, akala ko kasi, yun yung medyo mga 80 pesos pa yung laman, tapos sinasabi nung machine na "Ticket Invalid" daw. so akala ko talaga, fault nila yun (MRT guys). nagpunta ako dun sa booth at sinabi ko yung problem. tapos sinabi sa akin na expired na nga daw yung ticket ko. hehehe. tapos nakita ko sa wallet ko yung isa pa. tapos yun, sayang yung isang tinago ko hehehe.

ayan, nag apply ako sa trend micro. itong friend ko kasi nung highschool eh nag apply din dun. well, gusto ko lang kasi ma try. sabi niya, P10,000 (USD200) per month ang allowance since apprentice pa lang naman siya. so puede na yun para sa akin. may 10K na ako per month, meron pa akong training sa x86 assembly. hehehe, hindi ako masasayangan ng oras. since nakahiram na siya ng 2 books dun sa isang friend ko at yung 2 books na yun eh meron din ako, so isang book na lang pinahiram ko sa kniya.

dito sa bahay wala akong magawa.... aaral na naman ba ako? nah, not a good idea, kailangan mag reformat ng utak. hehehe. para smooth flowing ang ideas.

hay naku, ngayon, anong plano ko ba talaga sa buhay? ang hirap mag isip. excited, curious, nervous, mga ibat ibang feelings ang nararamdaman ko. andami ng options. dahil madami, ang hirap pumili. nakakatakot kasi baka magkamali ako ng pipiliin na path. tapos in the end, magsisi lang ako. I want the best path (not the shortest path, haha!). Ngayon, siguro tama lang at maghintay.